Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Her Gorgeous Sugar Daddy
Her Gorgeous Sugar Daddy
Her Gorgeous Sugar Daddy
Ebook188 pages2 hours

Her Gorgeous Sugar Daddy

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

"Walang pakialam si Lucian kung magiging matandang binata na siya. Ngunit iyon ay nagbago nang makilala ang mas bata pa sa kaniya na dalawang dekada na dalaga, si Rowan. Dahil kaya sa malungkot ang mga mata nito kaya siya nahalina sa unang pagsilay lamang?

Hindi niya akalaing totoo pala ang love at first sight. Subalit ganoon din kaya ang

LanguageEnglish
Release dateDec 20, 2022
ISBN9789360499976
Her Gorgeous Sugar Daddy

Related to Her Gorgeous Sugar Daddy

Related ebooks

General Fiction For You

View More

Related articles

Reviews for Her Gorgeous Sugar Daddy

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Her Gorgeous Sugar Daddy - Darla Tverdohleb

    Her Gorgeous Sugar Daddy

    Darla Tverdohleb

    Ukiyoto Publishing

    All global publishing rights are held by

    Ukiyoto Publishing

    Published in 2022

    Content Copyright © Darla Tverdohleb

    ISBN

    All rights reserved.

    No part of this publication may be reproduced, transmitted, or stored in a retrieval system, in any form by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording or otherwise, without the prior permission of the publisher.

    The moral rights of the author have been asserted.

    This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

    This book is sold subject to the condition that it shall not by way of trade or otherwise, be lent, resold, hired out or otherwise circulated, without the publisher’s prior consent, in any form of binding or cover other than that in which it is published.

    Contents

    Heartbroken

    Meeting With The Landscaper

    Deep Impression

    Her Ex-Boyfriend

    Waiting For Her Call

    Special Request

    Walang Sabit

    What Do Carnations Mean?

    Impossible Conversation

    Moving On

    Hamper Basket

    Imbitasyon

    Sa Hardin

    Usapang Pampamilya

    Dinner

    Huli Sila

    Ang Estranghera

    Push And Pull

    Official Courtship

    Bodies Touch

    Can Stare All Day

    Push

    Getting Much Closer

    Plans

    Sementeryo

    Surprise

    Her Personal Sugar Daddy

    So In Love

    Loving Her Very Own Sugar Daddy

    Binuksang Peklat Sa Puso

    Ang Inakalang Dahilan

    Pained Heart, Closed Mind

    Pangungulila

    Pagsundo

    Kiss And Make Up

    Wedding Proposal

    Mahal Sa Buhay

    The Beginning Of Forever

    About the Author

    Heartbroken

    "B

    roken-hearted ka pa rin ba hanggang ngayon, Rowan?" Nakasimangot ang kaibigan ni Rowan Dalida. Si Marion. Madalas ay tinatawag niyang Marionette dahil para itong puppet ng sobrang mahal nitong nobyo. Kahit ano ang gusto nito ay ibinibigay ng kaibigan.

    Sandaling tumigil sa paglalakad sa bangketa ang beinte y singko anyos na si Rowan upang titigan ang kaibigan. Napaingos pa siya rito dahil sa katatanong nito tungkol sa kaniyang love life.

    At bakit, Marionette? Makakapag-move din ako, makikita mo! Kita mo naman ako, hanggang ngayon ay buhay pa rin kahit wala siya. Inisnab pa niya ito at nauna na sa paglalakad.

    Hinabol naman siya ng kaibigan hanggang makapasok na sila sa maliit na opisina niyang landscaping services na tinatawag na Organic Gardens. Nirentahan nila ang maliit na opisinang iyon sa unang palapag ng isang malaking gusali sa Makati. Salamin ang nasa harap na dingding pati na ang pinto. Nakaprinta ang pangalan ng kaniyang maliit na business sa dingding at may creative na design ng garden sa salaming dingding at nakalista ang kanilang services sa pinto.

    Tinatanong ko lang kung totoo ngang naghiwalay na kayo ng boyfie mong hunk na si Riff para makapag-move on ka na.

    Lalo pa siyang sumimangot nang marinig ang pangalan ng kaniyang ex-boyfriend na isang modelo at endorser ng iba’t ibang brands. Padabog niyang ipinatong ang kaniyang bag sa kaniyang desk bago muling hinarap ang kaniyang kaibigan slash assistant manager. Simula noong college pa sila ay magkaibigan na sila ni Marion kaya malapit sila sa isa’t isa.

    Ano ba? Ang kulit mo, Marion! Bakit hindi ka na lang kasi umaktong parang Marionette ngayong kailangan ko ng katahimikan, space, at panahon para hindi ko na maisip ang malanding Riff na ‘yon? galit na aniya sa kaibigan. Nanggigigil talaga siya kay Riff kapag naiisip niya ito.

    ‘Isa siyang salawahan! Grr!’ Kulang na lang ay isumpa niya ang lalaki. Sobrang sakit sa puso kasi ang ginawa nito.

    Medyo napaurong naman si Marion sa lakas ng boses niya.

    At kailangan bang itanong kung broken-hearted pa ba talaga ako? Ha? Gusto mo bang i-espeling ko pa iyon sa harapan mo, ha? Pinilit niyang huwag mapaiyak.

    ‘Ang katulad ni Riff na isang malandi ay dapat na hindi iniiyakan!’ Napakuyom siya ng mga palad habang nakatiim-bagang. Bumaon ang kaniyang maikling kuko sa kaniyang palad. Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib dahil sa matinding emosyon. Kung bakit kasi ito tinatanong ng kaniyang kaibigan gayong alam naman na nito na ayaw niyang pag-usapan ang kaniyang ex-boyfriend.

    S-sorry na. Kasi ‘di ka nagkukuwento at hindi ko na rin napapansin ang syota mong bumisita rito kaya concerned ako sa ‘yo… kaya gano’n. Hayaan mo, magiging okay ka rin. Ikaw pa? Matatag kang tao, Rowan. Inilapag nito ang isang styro na baso na may lamang kape sa desk na gawa sa tabla at salamin.

    Galing sila sa isang coffee shop para sa kanilang break sa hapong iyon. Malapit lang ang coffee shop na iyon kaya madalas silang bumibili roon.

    Hindi kumibo si Rowan. Tumunog naman ang landline at si Marion na ang sumagot para sa kaniya samantalang umupo siya sa kaniyang swivel chair na naghimutok pa rin.

    Ah, yes. Yes, sir. Ano po ang address ninyo?

    Narinig niyang wika ni Marion sa telepono ilang sandali ang nakalipas habang may isinusulat ito sa isang papel.

    Napatingala siya rito nang maibalik ng assistant manager sa cradle ng telepono ang receiver. Pero hindi siya nagsalita.

    Bagong kliyente at gusto ng bagong landscape sa lawn niya, pagpaalam ni Marion. Kung hindi ka busy, puwede mong puntahan mamaya, hindi naman kalayuan ang address niya. Maghihintay raw. Pero… kung ayaw mo munang magtrabaho, ako na ang bahalang⸺

    Itinaas niya ang isang kamay kaya natigil ito sa pagsasalita. Ininom muna niya ang kaniyang kape bago muling tumayo.

    I’ll go, Marionette. You stay here. Ako na ang kakausap sa kliyente. This way… I can take my mind off that… that dick!

    Riff dick! sang-ayon nitong tumango. Tama ka nga. Bagay sa kaniyang tawaging gano’n. Napabuntong-hininga na lang si Marion na nakatingin sa kaniya habang nilaru-laro ang mga kamay nito.

    Kinuha na ni Rowan ang kaniyang susi sa loob ng bag at bitbit din ang bag sa kabilang kamay. Lumabas na siya ng opisina para puntahan ang sasakyan sa parking lot.

    Hinabol siya ulit ng kaibigan upang ibigay sa kaniya ang papel ng address ng kliyente. Ngumiti ito nang alanganin at napaihip siya sa sariling mukha.

    Right! aniyang tinanggap ang papel.

    Sigurado ka bang⸺? pag-uulit ng kaibigan na naudlot sa pagsasalita.

    Pinukulan niya ito ng isang matalim na tingin. I’m fine, Marion! Don’t be such a nag! Dapat kasi iyon ang ginagawa mo sa boyfriend mo at hindi ka na lang basta-bastang sumusunod sa gusto niya.

    Umismid naman ito sa kaniya. Ikaw ang may problema. Bakit mo ba ako pinagdidiskitahan? Inikot nito ang mga mata.

    Humugot siya ng isang malalim na hininga. Tama ka. Sorry na. Gotta go.

    Tumalikod na siya at nagpatuloy sa pagtungo sa parking lot. Nang makapasok na siya sa kaniyang mini-van ay tiningnan niya ang address na isinulat ng kaibigan saka pinaandar na niya ang sasakyan.

    ‘I hope my afternoon will get better somehow. Hindi ‘yong minamalas na lang ako palagi, thanks to that jerk, Riff! Ugh! I hope he’ll catch some STD! Grr!’

    Hindi na niya talaga mapigilan ang sariling huwag isumpa ang loko niyang ex. Pero napausal siya ng paghingi ng tawad sa taas habang tumatakbo na ang kaniyang kotse.

    Meeting With The Landscaper

    "U

    ncle Lucian, we’ll be waiting for you at dinner, okay?"

    Narinig ng kuwarenta y singko anyos na si Lucian Ganadan ang boses ng kaniyang nag-resign na pamangking si Baron Lee mula sa pagiging Marine nito.

    Naunahan pa siya ng pamangkin kung pag-aasawa ang pag-uusapan. At may anak na rin ito sa asawang si Raya na tinawag ng mga itong Lance. Isang taon na ito. Kahit paano ay tila umahon sa kaniyang dibdib ang pagkainggit sa pamangkin dahil masaya ito sa pamilya nito. Sadya nga namang nagmamahalan ang mag-asawa. Sinuwerte ang playboy niyang pamangkin at mabait at mapagmahal si Raya.

    All right! Pupunta na nga ako. And I’ve already missed Lance. I haven’t been able to drop by since I got back from my business trip to Japan two days ago. Kaya pupunta ako riyan mamayang dinner. May pasalubong nga pala ako para sa inyo ng Papa Lucas mo. So, hindi talaga ako mawawala mamaya sa dinner natin.

    Why aren’t you on your way here now? usisa pa ng pamangkin sa kabilang linya.

    May hinihintay pa akong bisita. Napatingin siya sa kaniyang lawn na bahagyang nakasimangot. Napasulyap din siya sa kaniyang gintong orasang pambisig. Darating na ‘yon mayamaya.

    Oh, okay. Pero sinong bisita, if I may ask? tanong ni Lee. Halatang curious ito.

    No one special, if you wanna probe, natatawang aniya.

    Right. At your age, Uncle, I don’t know if you’re still interested in women. Haven’t you thought about marriage at all?

    Beat it, Lee. I don’t wanna talk about it. For him, it was sort of a sore spot. Well, at times, whenever he was reminded that he was all alone.

    Fine. So, we’ll see you at dinner then, paalam na lang ng pamangkin at napatingin pa siya sa kaniyang cell phone bago iyon ipinasok sa bulsa ng kaniyang suot na slacks.

    Lumapit sa kaniya ang kaniyang personal assistant na si Rhenn na may salamin sa mga mata. Sir, nag-confirm po ang taga-Organic Gardens na darating ang kakausap sa inyo in half an hour.

    Okay. Napabuntong-hininga siya.

    Nabato na kasi siya sa katitingin sa kaniyang lawn at hindi na ito naasikaso pa dahil sa pagkamatay ng kaniyang hardinero. Bago pa niya gawin ang mag-hire ng panibago ay gusto niyang mabago rin ang disenyo ng kaniyang lawn. Gusto niyang ipa-overhaul ito kumbaga. At gusto niyang ma-impress ang kaniyang mga bisita sa bago niyang lawn kapag gaganapin doon ang annual Christmas Party sa bahay.

    Ayaw man niyang aminin ay halos kada dalawang buwan ay nagbabago ang disenyo ng lawn ng kaniyang kapatid dahil sa daughter-in-law nitong si Raya na nangangasiwa sa lahat sa mansion simula nang magbuntis ito kay Lance at hindi na ito pinagpapatrabaho ni Lee. Takot lang ng pamangkin niya na may mangyayaring masama sa iniibig nitong babae.

    Sir Lucian, I think that’s the one from Organic Gardens. Bahagya pang ininguso ni Rhenn ang paparating na sasakyan mula sa nakabukas na ngayong gate. Inihabilin na kasi nito iyon sa guwardiya na may hawak ng remote control ng gate.

    Isang minuto pa ang lumipas ay ipinarada na ng nagmaneho ang mini-van na dala sa isang tabi. Medyo nagulat pa siya nang makitang isang magandang babae ang iniluwa ng sasakyan. Hindi niya kasi inakalang isang babae ang kaniyang makakausap sa mga sandaling ito. Na-imagine na niya ang isang lalaking brusko, siguro medyo may edad na rin dahil sa linya ng trabaho. Pero nagkamali siya.

    Isang may kaputiang babae ang papalapit sa kaniya. May mahaba itong itim na buhok. Tuwid iyon at makintab. Balingkinitan ang katawan nito at suot ang isang simpleng stretchable jeans at naka-tuck in na light blue and white striped long-sleeved blouse. Naka-heels din ito. Pero mukhang sanay na sanay ito sa suot at halatang may kompiyansa sa sarili na naglalakad palapit sa kanila ni Rhenn.

    Nakita pa niya ang magandang kurba ng mga labi nito nang ngumiti ito sa kanila… sa kaniya. At parang nahipnotismo siya sa maganda nitong mukha. May matangos itong ilong, medyo deep-set eyes, mahaba at malalantik na pilik-mata na ginamitan ng itim na mascara, at maganda ang pagkaporma ng mga kilay nito. Manipis lang ang makeup nito na bumagay rito.

    Inilahad nito ang kamay nang huminto ito sa paglalakad, nang dumating sa harap niya. Hello. I’m Rowan Dalida, Organic Gardens. I’m here to talk about… your lawn! Ikinumpas pa nito ang isang kamay habang hawak niya ang isa nitong kamay para mag-shake hands sila.

    Pansin niyang hindi malambot ang kamay nito. Halatang sanay sa trabaho ang babae. Hindi siya masyadong sanay na humawak sa ganoong klase ng kamay ng isang babae. Isa siyang businessman at palaging may malalambot na kamay ang kaniyang nahahawakan sa tuwing nakipag-shake hands siya sa mga iyon.

    Iba ang pakiramdam niya nang mahawakan ang kamay nito. Tila may sinasabi rin ang kamay nito na isa itong babaeng may malakas na personalidad.

    Halos hindi mapuknat ang paningin niya sa kakakilala lang na babae.

    Pagkatapos makipagkamay sa kaniya ay nakipag-shake hands din ito sa lalaking personal assistant niya.

    Ngumiti siya sa babae nang matipid. Yes, of course! I’m the owner of this… lawn, Miss Dalida. I’m Lucian Ganadan, pleased to meet you. And as my assistant Rhenn may have informed your office, I would need a complete change of the landscape before Christmas.

    Napabaling ito sa kaniya nang tingin. Nakatitig sa kaniya ang babae. Nang matagal. Animo’y minimemorya nito ang bawat katangian ng kaniyang mukha saka ngumiti ito sa kaniya nang matamis. Kita pa niya ang pantay nitong ngipin na mapuputi.

    Before Christmas? anito saka napatingin sa napakalawak na lawn.

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1