Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Magkasintahan 3.0 Volume II
Magkasintahan 3.0 Volume II
Magkasintahan 3.0 Volume II
Ebook159 pages1 hour

Magkasintahan 3.0 Volume II

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

In the tapestry of life, love threads the needle, stitching moments into a

masterpiece of shared joy and endless connection.















LanguageFilipino
Release dateFeb 29, 2024
ISBN9789361723070
Magkasintahan 3.0 Volume II

Reviews for Magkasintahan 3.0 Volume II

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Magkasintahan 3.0 Volume II - Juliet Dimatulac

    Sa Susunod na Buhay

    By Juliet Dimatulac

    Taong 1657

    Narinig  mo na ba ang balita, Carolina? ani ni Martina sa kanyang kaibigan.

    Umilng naman ito.

    Nariyan  na pala ang nag-iisang anak ni Gobernador Heneral Perez na  mula sa Espanya tugon naman nito.

    Kaya pala abala ang mga tauhan ng Gobernador Heneral  sa loob ng kanilang tahanan ani naman nito

    Carolina at Martina tumigil na kayo sa pag-uusap dahil  may anunsyong ibinaba mula sa Gobernador Heneral Perez ani ng isang matandang babae.

    Tila hindi ako makapaniwala sa sinasaad ng kasulatan saad ng isang ginang.

    Isa pa isinalin din sa wikang Tagalog sabi ng isang ginoo.

    Marahil sa sobrang galak ng Gobernador Heneral sapagkat darating na ang kanyang anak ani pa ng isang matanda.

    Maya- maya pa ay nagkalasan na ang mga tao sa plaza ng Alba.

    Señiorita narinig n'yo ba ang mga sinasabi ng mga tao? Tunay na masaya ang inyong Papa sa iyong pagdating puno ng galak na ani ng matandang babae.

    Nanahimik na lamang ako sa kanyang winika dahil alam ko na ito lamang ay isang pagbabalat-kayo ng aking ama.

    Ang alam ng karamihan ay maituturing akong napakapalad  dahil ang aking ama ay  isang makapangyarihang tao na pinagkakatiwalaan ng hari ng Espanya. Ang alam lamang nla ay napakabuting ama sa akin si Manuel Perez. Ngunit hindi nila alam na  isa itong ganid sa kapangyarihan at kayang gawin ang lahat upang makamit lang ang kanyang ambisyon na kahit kapalit ay sarili niyang anak na tulad ko. Binigyan ako ng buhay bilang isang Camila Amelia Perez isang  purong Kastila ngunit ako’y tinuruan din magsalita ng wikang Filipino  simula ng umalis ang aking ama sa Espanya upang sundin ang responsibilidad na ibinigay sa kanya ng hari na agad niyang tinanggap.

    Nana Dolores, sa tingin n’yo matutuwa ang Mama Isabel  sa ginagawa ng aking Papa kung siya ay nabubuhay ngayon? seryosong tanong ko rito.

    Hija, isipin mo  na lamang  na lahat ng ginagawa ng iyong ama ay para sa iyong ikabubutitugon nito sa akin.

    Subalit Nana Dolores batid yung  wala rito sa Filipinas ang buhay ko kundi nasa Espanya at  sa tingin ko mas payapa ang aking buhay roon ani ko rito.

    Camila, nauunawaan kita pero sana ay iyo ring unawain ang iyong amang si Don Manuel. ‘Malay mo kaya ka niya  pinapunta rito sa Filipinas ay upang bumawi  sa’yo at sa kanyang mga pagkukulang bilang ama madamdaming wika nito sa akin.

    At lagi mo lamang tatandaan ay mahal ka ng iyong ama at lahat ng kanyang ginagawa ay may rason dagdag pa nito sa akin.

    Sana dumating ang araw na malaman ko ang mga dahilan ng  kanyang mga desisyon mahinang usal ko na lamang.

    Nagpatuloy ang pag-andar ng kalesa patungo sa Casa Perez na ipinagawa ng aking ama rito sa Filipinas.

    Hindi naglaon ay nakarating kami sa Casa Perez at sinalubong kami ng aking Papa.

    Maligayang pagdating, anak ko, ani nito sa aking pagkatapos ay hinagkan niya ang aking magkabilang pisngi.

    Kahit papaano ay nakaramdam ako ng tuwa dahil hindi  ko man maamin subalit ako’y nangulila sa aking ama.

    Salamat, Dolores at nakarating kayo ng ligtas dito sa Filipinas ani nito kay Nana Dolores  na tinanguan lamang nito.

    Ipinahanda ko ang lahat ng paborito mo Camla Amelia tulad ng Adobo at Caldereta.Pati na rin  ang paborito mong panghimagas na Brazo de Mercedes sambit naman nito sa akin.

    Nginitian ko nama ito.

    At bukas ay magpapahanda ako ng malaking piging upang ianunsyo ang iyong nalalapit na kasal seryosong saad nito sa akin.

    Natigilan naman ako sa aking narinig.

    Papa, saglit lang ho,tila hindi n’yo ito binanggit sa inyong telegrama noong nakaraang buwan sa akin sa Espanya ang tungkol dito  tugon ko rito.

    Ito ay isa kong surpresa sa iyo tutal nasa wastong gulang ka na rin para magpakasal. Ikakasal ka sa Gobernador Heneral  na tulad ko rin. Si Gobernador Heneral Carlos Jose De Leon  ay isang mestizo ngunit walang kaso iyon sa akin dahil ang mahalaga ay may kapangyarihan siya at pinagkakatiwalaan ng hari ng Espanya nagagalak na sabi nito sa akin.

    Pero, Papa ako’y dise otso pa lamang at isa pa ni hindi ko kilala  kung sino ang Gobernador Heneral na inyong binabanggit ani ko rito.

    Siya ay veinticinco lamang  Camila Amelia tugon nito sa akin.

    Nang magsimula na kaming kumain ay may biglang pumasok na  tauhan ang aking ama at may binulong.

    Tumango naman ito at umalis ang kanyang tauhan.

    Ilang sandali lamang ay may pumasok na isang panauhin ang aking ama.

    Ipagpaumanhin n’yo ang aking sorpresang pagparito sa inyong tahanan,Gobernador Heneral Perez magalang na sambit nito sa aking ama.

    Wala iyon, Gobernador Heneral De Leon. Kung maari ay saluhan mo na rin kami  sa aming pananghalian ng aking anak.Siya ang tinutukoy ko sa iyong mula sa Espanya na maaari mong pakasalan ani nito.

    Tipid naman itong ngumiti at pinagmasdan ako.

    Pagkatapos siya ay umupo sa katapat kong silya sa hapag.

    Nais ko rin sana na bukas ay magdaos ng isang pagdiriwang upang ianunsyo ang pagdating  ng aking anak sa lahat pati na rin ang  inyong nalalapit na pag-iisang dibdib kung ito’y ayos lamang sa ‘yo  gaya ng ating pinag -usapan sambit ng ama rito.

    Ayos lang naman sa akin Gobernador Heneral Perez dahil wala rin akong oras upang maghanap ng mapapangasawa at sa tingin ko ay hindi na ako lugi sa inyong anak dahil siya ay napakaganda  lutang na lutang ang kanyang pagiging purong Kastila seryosong wika nito.

    Namula naman ang aking mukha dahil sa kanyang sinabi dahil ito ang nang pagkakataon  na nakarinig ako sa isang lalaki ng papuri. Sa katunayan, Si Gobernador Heneral De Leon ay isang makisig na lalaki. Bumagay sa kanyang kulay ng buhok na itim ang kanyang mga mata kapareho nito.Siya ay may magandang pangangatawan at matangkad, Isa pa siya ay may mapulang labi. Hindi rin maitatanggi na may dugo siyang Kastila gaya ko.

    Pagkatapos noon ay tahimik kaming kumain  na tatlo sa hapag.

    Pinahintulutan naman ng aking ama na kami ay mag-usap ni Gobernador Heneral De Leon upang kami ay magkakilala bago ang nalalapit naming kasal.

    Nabalot naman kami ng katahimikan dito sa Azotea ng aming tahanan.

    Gobernador Heneral De Leon baka nabibigla lamang kayo sa inyong pagsang-ayon sa aking ama. Alam ko ang mabuti at masamang ugali ng aking Papa kaya batid kong nakita  na ninyo ang hindi niya magandang katangian kaya kung maaari sana ay  inyo siyang tutulan sa kanyang mga kagustuhan dahil  baka sa huli ay inyo itong pagsisihan seryosong sambit ko rito habang nakatingin sa kanyang mata.

    Hindi ko inaasahan na ang anak ni Gobernador Heneral Perez ay matalino akala ko puro pag-aayos lamang sa sarili  ang iyong alam sarkastikong tugon nito sa akin.

    Namula naman ako sa kanyang sinabi dahil tila akong nahiya sa kanyang sinabi.

    Subalit isa lamang ang aking sagot sa iyong sinabi kanina hindi ko pagsisisihan ang pagsang-ayon sa iyong Papa dahil nakilala kita at sisiguraduhin kong magiging akin ka at walang magagawa ang iyong Papa kahit na dumating ang araw na tumutol siya malamig na ani nito sa akin.

    Pagkatapos ay agad niyang inabot ang aking labi at mabilisang hinagkan ito.

    Nabigla naman ako sa kanyang ginawa at ako’y naestatwa.

    Ngumiti naman ito ng matamis sa akin at nagpaalam ng aalis dahil gabi na.

    Noong gabing hinalikan niya ako ay hindi ako makatulog dahil biglang bumibilis ang tibok ng aking puso.

    Kinaumagahan ay abala ang lahat ng tao sa aming tahanan dahil sa pagdiriwang na magaganap mamayang gabi.

    Señiorita,ito raw ang isusuot n’yo mamayang gabi sa pagdiriwang ani sa akin ng isang tagapagsilbi.

    Tinanguan ko naman ito at hinawakan ko ang kulay lilang mestiza dress ang pagkakagawa rito ay pinong-pino.

    Maraming salamat  sambit ko rito.

    Señiorita, napakaganda n’yo talaga  kaya hindi na ako nagtataka kung bakit kayo pakakasalan ni Gobernador Heneral De Leon papuri nito sa akin.

    Nginitian ko naman ito.

    Alam n’yo po ba Señiorita sa  inyo lamang nagka-interes si Gobernador Heneral De Leon litanya nito sa akin.

    Marami pa siyang sinabi tungkol sa Gobernador Heneral De Leon subalit bigla siyang nagpaalam at lumabas ng aking silid.

    Napabuntong hininga naman ako sa lahat ng mga pangyayari dahil  tila akong nabibilisan sa lahat.

    Mama Isabel, sana ay inyo akong patuloy na gabayan sa lahat ng ito bulong ko sa hangin habang hawak ang aking kwintas  na ibinigay ng aking ina ng nabubuhay pa ito.

    Kinagabihan ay idinaos  ang napakalaking piging. Ipinakilala ako ng aking ama sa lahat ng taong nandoon. Isa pa kanya ring ipinabatid ang aming nalalapit na pag-iisang dibdib ni Gobernador Heneral De Leon. Ngayon ko lang din nalaman na ang kanyang pinamamahalaan ay ang lugar ng Alcazar na medyo malayo sa pook ng Alba.

    Nakaramdam na ako ng pagod sa pakikihalubilo sa mga taong hindi ko naman tunay na kilala at  maaaring  batid na ito ni Gobernador Heneral De Leon na umaalalay sa akin kaya naman siya ay nagtungo sa aking ama at nagpaalam.

    Maya-maya pa ay muli niya akong inalalayan ngunit palabas ng aming tahanan.

    Gobernador Heneral De Leon, saan tayo pupunta? nagtatakang tanong ko rito.

    Sa paborito kong lugar dito sa Alba maikling sagot nito sa kain.

    "Ngunit alam mong ito’y bawal

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1