Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Samut-Samot, Mga Pagsubok at Kagitingan
Samut-Samot, Mga Pagsubok at Kagitingan
Samut-Samot, Mga Pagsubok at Kagitingan
Ebook151 pages2 hours

Samut-Samot, Mga Pagsubok at Kagitingan

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

This book sub- titled "Samut-Samot: MGA  PAGSUBOK AT KAGITINGAN"   is the third part of a 5-part anthology in Tagalog  that was initially  published in print  titled "SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI."  Text content of the full volume has a total of 190,340 words.   The book contains 444 pages with 25 story sub-titles, 49 illustrations, 4 cartographs and 1 planet diagram. The content was originally written in another Philippine dialect - Ilocano and published in a book with the title "Samut-samot iti Tarikayo" (Cobwebs in Wooden Pillar).   Following the Ilocano book's publication, the narratives were put out in podcast in Ilocano and Tagalog versions under the title "Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano."  The original full volume in Tagalog  were the  Tagalog podcast scripts which have been re-written into print-book format under the title  "Samut-Samot sa Punong Haligi."  As an ebook publication, the original full  volume is partitioned into five separate books with each  having a  separate subtitle. This book Samut-Samot: "Pagsubok at Kagitingan" contains the narratives about the Mongolian Empire and Genghis Khan, Admiral Yi Sun Shin -  the national hero of the two Koreas,  Japan's  Sengoku Jidai Period with Oda Nobunaga and the heroism of Shavarsh Karapetyan, a swimmer from Armenia.

LanguageEnglish
Release dateFeb 27, 2024
ISBN9798223411659
Samut-Samot, Mga Pagsubok at Kagitingan
Author

Norma Hennessy

Norma Hennessy is a Filipino-Australian author, journalist and award-winning artist.  She writes in English, Tagalog and Ilocano.  She writes for a community newspaper in Sydney, NSW (Australia) and broadcasts for community radio with 5EBI-FM in Adelaide, SOuth AUstralia.

Related to Samut-Samot, Mga Pagsubok at Kagitingan

Related ebooks

History For You

View More

Related articles

Reviews for Samut-Samot, Mga Pagsubok at Kagitingan

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Samut-Samot, Mga Pagsubok at Kagitingan - Norma Hennessy

    1

    SI GENGHIS KHAN AT ANG IMPERIO NA MONGOL

    Kinikilala siyang pinaka-matapang at pinaka-makapangyarihang mandirigmang pinuno na nabuhay sa kasaysayan ng mundo.  Siya ang may pinakamaraming naangkin at sinakop na mga lugar na nambuo ng pinakamalaking kahariang naitayo sa sandaigdigan. Ito ay nangyari bago pa man naitayo ang kaharian at pamunuan ng imperyo ng Britanya.

    Kamangha-mangha ang mga kakayahan ni Genghis bilang lider at pinuno.  Napag-isa niya ang pagkakaraming mga tribu na naglalakbay at namumuhay sa mga bundok at kapatagan ng Mongolia at sa mga karatig pook.  Nakayanan niyang pigilin at pahintuin ang malimit na paglalabanan ng mga tribu na nag-aagawan ng mga ari-arian at nagpapatayan dahil dito.  Nagawa niya silang pinasunod sa mga kautusan niya.  Napag-isa niya sila upang sa kabuuan nila, sila’y naging malaki at malakas na puwersa na kanyang pinamunuan.  Nilupig nila ang mga dati nang lahi na nag-hari at namuno sa mga nakaraang panahon.  Napagtipun-tipon niya ang mga tribu magmula sa silangang dulo ng Asya, kasama ang gitnang bahagi ng Yuropa hanggang sa bandang lagpas ng Asya sa kanlurang dulo nito.  Subalit, kung gaano ang kadakila niyang mandirigma, ay gayundin ang kabagsik at kalupit niyang kaaway.

    May mga paniwala ang mga mananaliksik sa kasaysayan na halos apatnapung milyong tao ang pinatay ng mga Mongol sa laon ng panahon na siya’y namuno. Saksakan ang kanyang karahasan.  Kalimitan na sa mga isinagawa niyang panlulusob, ang kanyang mga tauhan ay naghahasik ng lagim na nakasakay sa kabayo – sa wagas ng pananalakay na kanilang pinagbihasaan.  Maraming mga siyudad ang winasak niya mula Mil Dos Siyentos Anim (1206) hanggang Mil Dos Siyentos Pitumpu’t Pito (1227).

    Pagkatapos nilang sakupin ang isang lugar, wala silang pinapatawad – lalaki man o babae, bata o matanda, pinapatay nilang lahat ang mga ito.  Pinupugutan nila ng ulo ang kanilang mga kaaway.  Nilulunod nila ang mga ito sa mga labangan na umaapaw sa dugo ng mga napatay na kaaway. Sa panahon na sila’y lumusob sa siyudad ng Zhongdu (Beijing na ngayon ang pangalan), ginamit nila ang mga sandata na dinakip nila – mga armas na may disenyong gawa ng mga Tsino.  Kabilang dito ang mga matitibay na troso na gamit ng mga militar na pang-kabog at panalpok sa matitibay na mga pader at makakapal na pintuan ng malaking palasyo upang mabuksan ito.

    Bago nakapasok ang grupo ni Genghis Khan sa siyudad na sasakupin, naiulat na bumibilang ng mga animnapung libong mga babae ang nagpakamatay dahil sa takot nila sa mga isasagawang kakilakilabot na pangwawasak, panglalapastangan at pagpapahirap ng mga ito sa kanila kapag mahuli silang buhay.  Isang daang libong tao muna ang pinatay ng mga Mongol bago nila sinunog ang siyudad.

    Ang mga pananagumpay ni Genghis Khan at kanyang mga tauhan sa mga digmaan ay nakakamit nila dahil sa kahusayan nila sa pagsakay, pagpatakbo at pagmanehar ng mga kabayo.  Ayon sa mga naitalang sulat sa kasaysayan, kahit tatlong taon lamang noon ang isang batang Mongol, ito’y marunong nang sumakay at magpatakbo ng kabayo.  May kasabihan pa nga na ang pagkatinik ng mga Mongol na humawak ng kabayo ay napapatunayan ng kanilang kakatwang kakayahan na habang sila’y nakasakay at nagpapatakbo ng kabayo ay nagagawa nila ang kumakain, naiidlip at gumagamit ng sandata. Ang kanilang kalupitan at sobrang karahasan kapag sila’y sumasalakay sa mga lugar ay itinutuon nila sa mga pinapasok nilang mga lugar na lumalaban at nagtatatag ng resistansiya sa kanila.  Subalit, pagdating doon sa mga lugar na kaagad na sumusuko, ito’y pinakikitunguhan nila ng walang karahasang naisasaganap.

    Marami na ang mga naisusulat tungkol sa buhay at kasaysayan ni Genghis Khan.  Sa kasalukuyang panahon, marami na rin ang mga pelikulang ginawa tungkol sa kanya at ang kahariang Mongolia.  Marami ang mga iba-ibang nasyon ngayon na kumikilala kay Genghis Khan. Tanggap na nila na mayroong ginampanan ang imperyong Mongol sa kasaysayan ng mga naunang lahi sa mga bansang ito.

    Kinikilalang Imperyo ng Mongolia ang kahariang itinayo ni Genghis Khan noong Mil Dos Siyentos Anim (1206).  Kung sukatin ang kalawak noon ng kaharian ni Genghis Khan, ang lawak na ito ay mag-uumpisa sa looban ng gitnang bahagi ng Asya hanggang sa Gulpo ng Persia. Siyam na milyong milya kuadrado ang lupang inokupahan ng kanyang pinamunuan at sakop nito ang mga lokasyon na kinaroroonan ng iba-ibang mga nasyon sa modernong panahon.

    Kung ang Pilipinas ay sumusukat ng isang daan at labinlimang libo, walong daan at tatlumpu’t isang milya kwadrado (115,831 square miles), magsusuma-total ng pitumpu’t walong (78) Pilipinas ang magkakasyang ipasok sa sukat ng lawak ng Imperyo ng Mongolia na pinagharian ni Genghis Khan.  Isa pang paraan para matantiya ang lawak ng imperyong Mongol, ay ihambing ito sa kalawak ng napagdikit-dikit na lahat na mga bansa ngayon. Magsusuma-total ang kabuu-an ng mga ito ng limampu’t pitong milyon, dalawang daan at animnapu’t walong libo, at siyam na raan (57,268,900) na milya kuwadrado.  Ka-anim na bahagi (1/6th) nito ang Kaharian ng Mongolia.

    Sa ilalim ng paghahari ni Genghis Khan, ang kahaba ng imperyo niya ay magmula sa Karagatang Hapon hanggang sa kagubatan ng Hungaria sa gitna ng Yuropa.

    Malimit na naikukumpara si Genghis Khan kay Dakilang Alehandro ng Masedonya.  Si Alehandro ng Masedonya ay naghari noon sa Kanlurang bahagi ng mundo ng ilang siglo bago naipanganak si Genghis Khan.   Mas malawak ang linupig at sinakup na kaharian si Genghis Khan kaysa kay Alehandro.  Maaring ito ay dahil mas matagal na panahong nabuhay ito.  Magka-iba sila ng pamamaraan sa kanilang pamumuno sa mga lugar na kanilang sinakup at inokupahan.  Bagaman ang Imperyong Mongol sa kamay ni Genghis Khan ay apat na beses na mas malaki kaysa imperyo ni Alehandro, masasabi na si Alehandro ay mayroong mas maayos at higit na sistemadong pamamaraan sa kanyang pamumuno.

    Ang mga unang mga tauhang pinamunuan ni Genghis Khan ay sari-saring mga mandirigma na galing sa iba-ibang mga tribu.  Maiilap at lagalag ang mga ito.  Wala silang masasabing mga pinagtitigilang ari-arian o mga kaanak at mababagsik sila sa labanan.  Subalit nakayanan niyang pinasunod lahat ang mga ito sa kanyang mga kautusan.  Napag-isa niya ang mga tribu sa mga lambak at kapatagan.

    Ang mga Mongol ay unang nanirahan sa mga lugar na sakup ng lupaing kilala na ngayon na bansang Tsina.  Dalawang klase ang kabuhayan ng mga tao doon.  May mga tao sa kapatagan na may permanenteng tirahan at mayroon silang mga likas na pinagkukuhanan ng ikabubuhay.  Mayroon silang sosyedad na maayos.  Mayroon ding mga tribu noon na walang mga pirmihang tirahan at nabubuhay sila na palaging naglalakbay at palipat-lipat sa lugar.

    Magkaiba ang uri ng mga pamumuhay ng mga tribu subali may mga panahong humihinto ang kanilang pagbabakbakan at pagpapatayan.  Ito ay dahil napagtanto nila na may pangangailangan sila sa isa’t isa.  Nagpapalitan sila ng mga panga-ngailangan sa buhay.

    Ang mga tribung Mongol noon ay kilala na tribung Shiwei at tribung Menggu.  Namumuhay at nakatira ang mga ito sa mga tagiliran ng mga bundok at mga kapatagan na kung sila nagpapasto para sa kanilang kabuhayan.  Wala silang lugar na pinaglalagi-an at pinagtitigilan ng matagalan.  Sila’y palaging palipat-lipat na naglalakbay.  Ang mga hayup na alaga nila ay mga tupa, kambing, kamelyo, kabayo at yak.  Ang mga tirahan nilang pansamantala ay tolda na ‘yurt’ o ‘ger’.  Gawa ito sa balahibo, pieltro (felt) at balat ng hayup.  (Sa ngayon ang mga tribung Mongol ay nakakalat sa Tsina, Mongolia at Rusya).

    Noong bata si Genghis Khan, siya ay pinangalanan ng Temujin o Temuchin.  Ang kahulugan ng kanyang pangalan ay: "manggagawa ng bakal" (panday).  Naipangalan ang musmos na Temuchin sa isang lider ng tribu na linupig ng kanyang ama sa labanan.  Siya ang unang anak nina Yesugei at ang una niyang asawa na si Hoelun. Matantiya na ang kapanganakan ni Temujin ay noong Mil Siyento at Limampu’t Lima (1155).  Subalit may mga naisulat sa kasaysayan na nagsasabi na Mil Siyento Animnapu’t Dalawa (1162) ang kanyang pagkakasilang.  Meron pa ring naisulat na 1167 ang kanyang totoong kapanganakan.  Noong siya’y ipinanganak, naipamalita na pagkasilang sa kanya, siya’y may kimkim na namuong dugo sa kanyang kamao. Ipinanganak siya sa kabundukan ng Khentii sa Khamag na bahagi ng Mongolia.  Ang lugar na ito na kanyang sinilangan ay kilala na ngayon sa pangalang Deluun Boldog, Dadal Kenteii.

    Noong si Temujin ay siyam na taong gulang (9), dinala siya ng kanyang ama sa piling ng pamilya ng batang babai na nagngangalang Borte.  Si Borte ay siyang naitakda noong magiging asawa niya.   Anak ito nina Dei-sechen at Chotan na mga pinuno ng tribung Onggirat. Si Yesugei na ama ni Temujin ay isa sa mga mataas na namumuno ng kanilang lahi na Borjigin.  Pagkahatid ng ama kay Temujin, umuwi ito para bumalik sa kanyang tribu.  Habang nasa lakbayan si Yesugei, dumaan siya sa kampo ng mga tribung Tatar dahil inimbita siya para makipagdiwang at makikain. Wala siyang pag-aakala na iyon pala ay isang pakana.  Noong siya’y nasa handaan na at nakikikain, isinagawa ng tribung ito ang lihim na panla-lason sa kanya.  Ito ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay. 

    Matagal nang panahon na may kimkim na galit ang tribung nanglason kay Yesugei sa tribu niya.  Ang alitan ng mga tribu ay siyang sanhi ng walang hintong paghihiganti-an ng mga tribu sa mga bulubundukin at mga kapatagan.  Karaniwan na ang pinag-umpisahan nito ay sinaunang hidwaan sa pagitan ng mga lahi na hindi nalilimot, bagkus ay naisusulong sa mga sumunod na mga kaanak.

    Dahil sa pagkamatay ng kanyang ama, bumalik na umuwi si Temujin sa tribu nila.   Siya ang papalit sa lugar ng kanyang ama at aakuin niya ang tungkulin nito sa tribu na kinasapian ng kanilang lahi.  Ang tribung ito ay nagngangalang Taychiut. Subalit hindi pumayag ang tribu na tanggapin si Temujin manungkulan bilang lider ng kanilang kaanak sa tribu.  Sa halip ay tinanggihan silang mag-anak na isama sa tribu upang hindi sila maidadagdag na pakakainin ng tribu.  Namuhay ng mahirap ang mag-anak dahil sa kanilang pagkaka-abandona.  Ganun pa man, sa pamamagitan ng paggabay ng ina ni Temujin na ni Hoelun, nakayanan nilang mabuhay.

    Sa mga panahong iyon, mayroon nang mga palatandaan ng pagiging kakaiba ni Temujin.  Isang araw, nawalan ang pamilya ni Temujin ng walong kabayo.  Ninakaw ito ng mga tulisan at isa lamang ang itinira ng mga ito para sa kanilang mag-anak.  Sinundan ni Temujin ang mga ito at habang siya’y nasa daan, nadaanan niya ang isang kabataang nagngangalang Bo’orchu.  Tinanong ni Temujin kung nakita nito ang kanyang mga sinusundang magnanakaw ng kabayo.  Inihinto ni Bo’orchu ang kanyang ginagawa at binigyan niya si Temujin ng isang kabayo.  Hindi lang siya nagbigay ng masakyan kay Temujin, sinamahan pa niya ito para habulin ang mga tulisan.  Nahabol nilang dalawa ang mga tulisan at nabawi nila ang mga kabayong ninakaw ng mga ito.

    Hindi tinanggap ni Bo’orchu ang gantimpala na ini-alok sa kanya bilang kapalit ng kanyang pagtulong kay Temujin.  Nakaramdam ito noon ng kakaibang paggalang dito. Ipinasya niyang sumunod kay Temujin at nanungkulan siyang ‘nokor’ o alalay

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1