Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Tuldukuwit II
Tuldukuwit II
Tuldukuwit II
Ebook106 pages37 minutes

Tuldukuwit II

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Tuldukuwit ay isang simbolo ng mga taong naisipan nang sumuko pero pinili pa ring lumaban. 'Tuldukuwit I: Masasanay Kang Matalo, Piliin Mong Lumaban' is more about struggles and pain in life. Na kahit ilang beses mang madapa, matuto tayong tumayo at tumingala. 'Tuldukuwit II: Masasanay Kang Lumaban, Piliin Mong Magpatawad' is more about forgiveness and healing. Na kahit ilang beses mang lumuha, matuto tayong magpatawad at magpaubaya. Tuldukuwit' katulad ng paruparo na nagbibigay ng lilim sa talulot ng bulaklak, lilipad at uusad din matapos mapadpad.

LanguageSlovenčina
PublisherUkiyoto
Release dateSep 12, 2021
ISBN9781005186517
Tuldukuwit II

Related to Tuldukuwit II

Related ebooks

Related categories

Reviews for Tuldukuwit II

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Tuldukuwit II - JK Cabresos

    Tuldukuwit II

    Masasanay Kang Lumaban, Piliin Mong Magpatawad

    JK Cabresos

    Ukiyoto Publishing

    All global publishing rights are held by

    Ukiyoto Publishing

    Published in 2021

    Content Copyright © JK Cabresos

    ISBN 9789354904295

    All rights reserved.

    No part of this publication may be reproduced, transmitted, or stored in a retrieval system, in any form by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording or otherwise, without the prior permission of the publisher.

    The moral rights of the author have been asserted.

    This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

    This book is sold subject to the condition that it shall not by way of trade or otherwise, be lent, resold, hired out or otherwise circulated, without the publisher’s prior consent, in any form of binding or cover other than that in which it is published.

    www.ukiyoto.com

    Para sa mga taong kahit ilang beses mang lumuha, pinili pa ring magpatawad at magpaubaya.

    Alipin

    Ako’y magpapaalipin sa’yo. Hahayaang alipustahin ng pag-ibig mo. Na kahit hindi mo subukan ang magparamdam. Na kahit maisipan mo ang magpaalam.

    Aalis. Lalayo. Sasabihing nagbalik na siya sa piling mo— at siya pa rin ang muli mong pipiliin, dahil hindi ka naging sigurado sa’kin.

    Hindi mo kasi kayang ibigay ng buo ang iyong sarili, dahil hindi ikaw yung tamang tao— na mananatili.

    Naintindihan Ko

    Naintindihan ko na

    ang iwan sa hindi tiyak na dahilan.

    Naintindihan ko na

    ang hanapin ang sarili at sukuan.

    Naintindihan ko na

    ang ramdam na pag-iisa.

    Naintindihan ko na

    wala nang pag-asa.

    Naintindihan ko na

    kung paano sumugal at matalo sa pag-ibig.

    Naintindihan ko na

    dapat handang masaktan ng paulit-ulit.

    Hindi ko kasi alam

    kung kailan ako muling mabubuo.

    Na dati hindi naman wasak,

    pero bigla silang napagod sa aking mundo.

    Hindi ko kasi alam

    kung ako ba ang mali o sila?

    Nakakaligaw pala ang magmahal ng sobra?

    Ang ibigay ang lahat,

    wala na sa akin natira, pero hindi pa rin sapat.

    Pero mahal, nahanap mo ako.

    Sa lilim ng mga bituin, tayo’y pinagtagpo.

    Nahanap mo ako.

    Hindi man perpekto, ako’y tanggap mo.

    Napalitan muli ng matatamis

    na ngiti ang mga luha.

    Naglaho na ang sakit

    sa pagkulong sa mga alaala.

    Nabigyang muli ang araw ng hiwaga.

    Naintindihan ko na

    hindi pala lahat nang-iiwan.

    Naintindihan ko na

    makakahanap din ng hindi susukuan.

    Naintindihan ko na

    wala nang pag-iisa.

    Naintindihan ko na

    ang ramdam na pag-asa.

    Naintindihan ko na

    kung paano sumugal at manalo sa pag-ibig.

    Naintindihan ko na

    handa na akong masaktan ng paulit-ulit.

    Liwanag Sa Hiwaga

    Maliwanag na,

    ikaw ang liwanag

    sa hiwaga ng aking puso.

    Sa nagsisidhing damdamin,

    nais damhin.

    Iuukit sa inipong gunita

    kasabay ng hamog at ginaw

    sa bukang-liwayway,

    kasabay ang huni ng mga ibon

    sa pagsikat

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1